PH Azkals, talo kontra Uzbekistan, 1-4

azkals07_852_899_1008Bigo ang Philippine Azkals kontra Uzbekistan sa kanilang qualifying match ng World Cup, na ginanap sa Philippine Sports Stadium, sa Bocaue, Bulacan.

Sa unang bahagi pa lamang ng laro, naka-score na ang Uzbekistan, na sinundan pa ng pangalawang iskor sa ika labing apat na minuto.

Natapos ang unang half, at naka iskor muli ang Uzbekistan, sa ika 43 na minuto, at natapos ang unang bahagi ng laro sa score na 3-0.

Bandang ika 65 minuto naman, muling pumuntos ang Uzbekistan para sa kanilang ikaapat na goal.

Samantala, nakakuha ng unang iskor ang team Azkals, nang maisagawa ang isang free kick ni Stephan Shrock, para sa 4-1.

Humirit pa ang Uzbekistan ng isa pang puntos sa ika 80 minuto, at natapos ang laban sa score na 5-1.

Bagaman bigong maiuwi ang panalo, buo parin naman ang suporta ng Pinoy fans para sa koponan.

Hindi naman naging dahilan ang malakas na buhos ng ulan, upang manuod ang mga fans na tinatayang umabot sa 7,500 sa loob ng stadium.

Samantala, nanuod din ang ilang celebrities tulad nina Daniel Padilla, Michelle Madrigal at James Younghusband.

Makakalaban naman ng Philippine Azkals ang North Korea sa Oktubre 8.

Read more...