Malacañang, isinapubliko ang UNGA luncheon invite kay Honeylet Avanceña

Courtesy of Malacañang

Inilabas ng Malacañang ang kopya ng imbitasyon ni US First Lady Melania Trump para sa partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Cielito “Honeylet” Avanceña para sa United Nations General Assembly (UNGA) luncheon.

Base sa imbitasyon ito ay petsang September 20 sa New York.

Makikita si Honeylet sa isa sa mga video ng nasabing event na siya namang nasa tweet ni Melania.

Matapos namang makita si Honeylet sa Miss Saigon sa Broadway ay pinaliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na na siya ay inimbitahan ng US First Lady at sariling gastos niya ito.

Una nang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa UNGA para makapag-focus sa nagaganap sa Marawi City.

Pinangunahan ni Melania ang naturang luncheon para sa mga asawa ng mga world leaders at mga committee heads.

 

Read more...