Vanuatu, nasa state of emergency na dahil sa pagsabog ng Mt. Manaro Voui

Itinaas ang state of emergency sa Vanuatu sa gitna ng pagsabog ng Bulkang Monaro Voui sa hilagang isla ng Ambae.

Ayon sa Vanuatu Meteorology and Geo-Hazards Department, nadagdagan ang mga aktibidad ng bulkan mula sa ilang linggong pag-aalburoto nito.

Itinaas na sa level four ang alerto ng bulkan na nangangahulugang nasa moderate eruption state.

Nagliliparan ang mga bato at volcanic gas na ibinabato nito.

Pinag-iingat din ang mga tao na nasa 6.5 kilometers mula sa Manaro Voui.

Inililikas na rin ang 70% ng populasyon o 7,000 katao ng Ambae, ayon sa Disaster Management Office.

Pinag-aaralan na ng New Zealand Defence Force ang pinsalang maidudulot ng pagsabog ng bulkan.

Naglaan na rin ng pondo ang gobyerno para sa mga bakwit sa gitna ng inaasahang pagkukulang sa tubig at pagkain.

Excerpt:

Read more...