Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, nasa mahigit 600 million piraso ng mga balotang naimprenta at halos 600 milyong piso na ang nagagastos ng Comelec para sa paghandaan ang Barangay at SK elections.
Sa ngayon, pinag-uusapan na sa en banc ng Comelec ang mungkahing suspendihin na ang mga aktibidad na may kinalaman sa paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ay ang magkasundo na ang Kamara at Senado na ipagpaliban ang Barangay at SK elections at hinihintay na lamang ang pagsang-ayon dito ng pangulo.