Nagkaisa ang puwersa ng Regional Intelligence Division (RID-7), Regional Special Operation Group (RSOG-7), Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Group (RAID-SOTGG-7), Regional Public Safety Batallion (RPSB-7), Bureau of Immigration at mga kinatawan mula sa Taiwan at China upang tugisin ang mga dayuhang sindikato.
Ayon kay deputy chief P/Supt. Rex Derilo, nakiisa na sa kanila ang mga pulis ng Taiwan, matapos dumulog sa kanilang tanggapan ang Taiwanese Economic and Cultural Office (TECO), ang counterpart embassy sa Taiwan, ukol sa mga ginagawa ng grupo.
Isang surveillance operation ang isinagawa ng pulisya at siyam na search warrant ang inilunsad sa tatlong subdibisyon.
Kasama dito ang Ameties St. Casals Village sa Brgy Mabolo kung saan 26 na dayuhan ang nahuli, habang 21 naman sa Sunny Hills na nasa Brgy Talamban, at 16 na dayuhan naman ang naaresto sa a Sitio Tigbao, Talamban.
Naaresto ang mga chinese at Taiwanese nationals na sinasabing miyembro ng sindikato na nanloloko gamit ang internet.
Nakumpiska ang mga kagamitang ginagamit sa modus.
Ayon sa otoridad, nahirapan din sila sa operasyon dahil nanlaban ang mga suspek, dahilan pa upang maospital ang lima sa kanila, nang magtangkang tumakas ang mga suspek.
Patuloy namang iniimbestigahan ang buong modus ng mga nahuling suspek.