Napili ng Film Academy of the Philippines bilang official entry ng bansa ang pelikulang “Birdshot” ni Mikhail Red sa Foreign Language Film category ng Academy Awards sa taong 2018.
Ito ay kinumpirma ng official Facebook page ng naturang pelikula.
Pinagbibidahan ang “Birdshot” nina Mary Joy Apostol, Ku Aquino, John Arcilla at Arnold Reyes.
Ang nasabing pelikula ay tungkol sa isang batang babae na aksidenteng nakapatay ng endagered species na Philippine Eagle at ang patakip dito ng kanyang tatay mula sa mga otoridad.
Bahagi din ng pelikula ang pag-imbestiga ng dalawang pulis sa misteryosong pagkawala ng bus lulan ang mga pasahero nito.
Una ng napanalunan ng pelikula ang Best Asian Future Film sa Tokyo International Film Festival noong nakaraang taon.