Ayon kay Wesmincom Commander Lieutenant General Carlito Galvez, nasa 60 hanggang 80 mga sundalo ang darating sa siyudad at mga bihasa umano sa giyera ang mga ito na agad sasabak sa main battle area.
Dagdag pa niya, ang dagdag na tropa ay ipadadala para matiyak na hindi makalalabas ang Maute ISIS sa lungsod ngayong huling bugso na ng opensa ng militar
Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na maaari na lamang tumagal ng tatlong linggo ang bakbakan sa Marawi.
Gayunman, hindi raw sila magpapakampante dahil naniniwala silang mayroon pang natitirang taktika ang Maute.
Samantala, sinabi rin ni Galvez na mayroon pa rin umanong mga nagpapahayag sa militar na nais na sumuko mula sa nagpapatuloy na bakabakan doon.
Nitong Lunes, iniharap sa media ang apat na bagong bihag na nasagip ng militar sa kanilang iginasagawang operation sa siyudad.