John Paul Solano, nagbanggit ng mga pangalan sa executive session sa Senado

Kuha ni Jan Escosio

Pito ang pinangalanan ni John Paul Solano kaugnay sa pagkasawi ng UST law student na si Horacio Castillo III.

Ito ay sa isinagawang executive session Lunes ng gabi matapos ang isinagawang hearing ng senado hinggil sa kaso.

Ayon kay Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, mabigat ang mga binitiwang impormasyon ni Solano sa executive session hinggil sa mga kaganapan noong umaga ng September 17.

Dahil aniya sa mga ibinunyag ni Solano, maituturing nang malinaw kung sinu-sino sa mga fraternity member ang dapat na mapanagot sa pagkamatay ni Castillo.

Ani Zubiri, nag-tell-all sa harap ng mga senador si Solano at kabilang sa mga pinangalanan nito ay anim na fraternity members at isang hindi miyembro.

Naniniwala si Zubiri na susi si Solano sa ikareresolba ng kaso ng pagkamatay ni Atio.

Maliban kay Zubiri, kabilang din sa mga senador na nakaharap ni Solano sa executive session na tumagal ng isang oras ay sina Senators Win Gatchalian, Bam Aquino at Panfilo Lacson.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...