Sa pagkakataong ito ay hinihiling ni Patricia Bautista na mapawalang-bisa ng lisensya sa pagka-abugado ni UST Dean Nilo Divina at dalawampung iba pang mga kasamahan nito sa Divina law firm.
Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan ay isinumite ni Patricia ang reklamo sa dahilang nilabag umano ni Divina ang code of professional responsibility dahil sa pakikipagsabwatan sa kaniyang mister sa korapsiyon.
Hindi naman kasama sa reklamo ang Comelec chairman sa dahilang may immunity fromn suit si Bautista bilang isang impeachable official.
Nag-ugat ang reklamo nang madiskubre ni Patricia ang mga bank at real property documents na nakapangalan umano sa kanyang asawa at mga kamag-anak na hindi naman nakasaad sa SALN o Statement of Assets and Liabilities nito na nagkakahalaga ng 1 billion pesos.
Maliban sa mga undeclared assets, una nang sinabi ni Patricia na may mga tseke siyang nadiskubre at commission sheets na inisyu ni Divina sa pangalan ni Bautista at mga miyembro ng kanyang pamilya.
Iyon umano ay galing sa komisyon ni Bautista sa Divina law dahil sa pag-asiste sa mga kliyente ng Comelec.