WATCH: 2 lalaki patay matapos magulungan ng truck sa Port Area, Maynila

Kuha ni Cyrille Cupino

Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang lalaki matapos magulungan ng trailer truck sa magkahiwalay na insidente sa Port Area, Maynila.

Pisak ang ulo at nadurog ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at short, at may tattoo sa kanang bahagi ng likod.

Ayon sa rumespondeng security guard ng Intramuros na si Richard Ramos, sumampa umano sa truck ang biktima, pero nadulas ito dahil malakas ang ulan kaya pumailalim sa gulong sa bahagi ng Bonifacio Drive.

Samantala, ilang minuto lamang matapos ang unang insidente, isa pang lalaki ang nasagasaan rin ng isang truck sa kahabaan ng R-10 at Pacheco sa Tondo.

Hindi rin alam ang pagkakakilanlan ng lalaking biktima na nakasuot rin ng itim na t-shirt at itim na shorts, at may mga tattoo sa binti.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...