Bumuhos ang malakas na ulan sa buong Metro Manila, at karatig na probinsya kagabi.
Matapos maglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ng advisory bandang 6:35 ng gabi, biglang bumuhos ang malakas na ulan, na nagpalubog sa ilang mga kalsada.
Kabilang sa naapektuhan ang Pasig, Makati, Marikina, Taguig, Mandaluyong, Pasay, San Juan, Manila, at Quezon City.
Malakas na ulan at hangin, na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang naranasan sa mga nabanggit na lugar, sa loob ng dalawang oras.
Binaha rin ang mga probinsya ng Batangas (partikular na ang Nasugbu, at Lipa), Laguna (Biñan) at bahagi ng Bulacan, Rizal, and Nueva Ecija.
Naranasan din ang matinding ulan sa Quezon, at Cavite na tumagal pa ng higit sa dalawang oras.