Gulo sa Marawi City, hindi na tatagal ng isang buwan-AFP

 

Hindi na tatagal ng isa pang buwan ang bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Western Mindanao Command commanding general Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., hindi na aabot pa ng isang buwan ang gulo sa lungsod at maaring ilang araw o linggo na lang ay matatapos na ito.

Hindi lang aniya nila matantya kung 10 araw o dalawang linggo ang kanilang magiging timeline.

Aniya pa, medyo mabagal ang operasyon nila ngayon upang hindi maisaalang-alang ang kaligtasan ng mga sinasagip pa nilang 45 hanggang 50 na bihag ng Maute Group.

Tumanggi naman na si Galvez na magbigay ng iba pang detalye tungkol sa kung paano nasagip ang iba pang mga bihag dahil maaring ma-jeopardize ang kanilang operasyon.

Gayunman, sinabi ni Galvez na maganda ang operational push ngayon dahil nabawi na nila ang lahat ng mga strategiv areas ng mga terorista.

Read more...