Sa pagdinig sa Senado , iginiit ni Solano na tinawagan lamang sya ng isang ‘brod’ dakong alas-6:30 ng umaga, na hindi nito pinangalanan dahil umano sa ‘unconscious’ o walang malay ang isang neophyte.
Aniya nuong una, tumanggi ito na pumunta dahil may trabaho ito at ngunit makaraan ang 40 minuto ay muling tinawagan itong muli ng isang kasamahan sa fraternity.
Ayon kay Solano, nung madatnan niya si Atio sa frat lib na matatagpuan sa may Laon laan ay wala na itong malay.
Kanya pa aniyang isinailalim sa CPR si Atio hanggang sa dalhin na niya ito sa CGH o Chinese Gen Hospital lulan ng pulang pick up kasama ang ilang mga brods niya sa Aegis Juris na hindi rin nito pinangalanan.
Ipinaliwanag rin ni Solano kung bakita iba ang mersyon ng kanyang kuwento sa nauna niyang statement sa pulisya sa pagsasabing ito umano ay utos lamang sa kanya ng isang frat member.
Samantala, kinuwestyon naman ni Sen Hontiveros kung bakit tila hindi tinupad ni Solano ang kanyang pahayag na sasabihin lahat nito ang kanyang nalalaman.
Sa ikalawang round ng pagtatanong, muling kinulit ni Sen Aquino ang mga pangalan ng mga miyembro ng Aegis Juris na sangkot sa pagkamatay ni Atio.
Gayunman, muling tumanggi si Atty. Paterno Esmaquel na nagsisilbing legal counsel na ibigay ang mga pangalan ng Aegis Juris na sangkot sa insidente dahil pag-aaralan pa umano nito ang kaso.