Housing department bill lusot na sa committee level sa Kamara

Radyo Inquirer

Lusot na sa Housing Committee ng Kamara ang panukala para sa pagkakaroon ng hiwalay na kagawaran para sa pabahay.

Inaprubahan ngayon ng mga miyembro ng komite na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez ang pagkakaroon ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Sinabi ni Benitez na panahon na upang magkaroon ng hiwalay na kagawaran na tututok sa pagpapatupad ng proyekto ng pamahalaan may kaugnayan sa mga pabahay lalo na at lumalaki ang backlog ng bansa sa housing.

Sa ilalim ng panukala, ipapasailalim sa bubuuing DHSUD ang lahat ng housing agencies kung saan isasalin dito ang tungkulin ng Housing and Urban Development Coordinating Council at Housing and Land Use Regulatory Board.

Paliwanag ni Benitez, hindi lamang tututok sa pangangailangan ng pabahay ang bubuuing departamento kundi maging sa tamang urbanization ng iba’t–ibang komunidad.

Inaatasan ito na maglatag ng national strategy para lutasin ang kakulangan sa pabahay sa bansa na tinatayang aabot sa 6.8 million backlog bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...