Sinampahan ng iba’t ibang kaso sa Ombudsman ng grupong Volunteers Against Crime and Corrpution o VACC si Sen. Risa Hontiveros.
Ang pagsasampa ng kaso ay pinangunahan ni dating Negros Oriental Congressman at VACC counsel Jacinto “Jing” Paras.
Sinampahan ng grupo ang senadora ng kasong paglabag sa R.A 4200 (Anti-Wiretapping Law) at Article 270 ng Revised Penal Code dahil sa diumano’y kidnapping at bigong pagbabalik sa mga magulang nito sa mga hawak nitong saksi sa Kian slay case.
Ayon kay Paras, inutusan ni Hontiveros ang isang photographer na kunan ng larawan ang text message ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na maituturing na wiretapping.
Sa isinampa naman nitong kasong kidnapping, sinabi ni Paras na labag sa batas ang magmamatigas ng senador na hindi pag-turn over sa tamang mga ahensya o sa mga magulang nito sa mga batang witness sa pagpapatay sa 16-anyos na si Kian delos Santos.