Eroplano nag-crash sa Romblon

Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa isang pribadong eroplano na bumagsak sa karagatang bahagi ng Romblon.

Sa inisyal na ulat, isang five-seater plane ang bumagsak sa pagitan Brgy. Agbayi at Brgy. Binongaan na 50 kilometro lamang ang layo mula sa Tablas Airport.

Ayon kay Romblon Disaster Risk Reduction and Management officer Antonio Sarzona, malayo naman daw ang sinasabing crash site sa kalupaan.

Sinabi naman Romblon Provincial Police Director Sr. Supt Leo Quevedo na nasa area ng insidente ang mga imbestigador pero hindi pa rin nila nakikita ang bumagsak na eroplano.

Wala rin daw silang makitang indikasyon ng oil spill sa lugar.

Nakipag ugnayan na rin daw sila sa aviation authorities sa Aklan province pero wala silang nakuhang detalye kaugnay sa naturang eroplano.

Wala pa ring pahayag ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa plane crash.

Read more...