Bilang ng mga na-stranded dahil sa tigil-pasada umabot na sa mahigit 5,000

Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Hindi pa tiyak kung matutuloy ang tigil-pasada ng Stop and Go coalition bukas (September 26).

Paliwanag ni Jun Magno, pangulo ng Stop and Go Coalition, hinihintay pa nila ang resulta ng kanilang isinagawang tigil-pasada ngayong araw.

Kung anuman ang resulta, dito aniya dedepende kung itutuloy pa o hindi na ang ikalawang araw ng transport strike.

Batay sa latest update, sinabi ni LTFRB spokesman Atty. Aileen Lizada na as of 11:33 ng umaga ay nasa 5,600 na mag pasahero ang na0-stranded dahil sa tigil-pasada ng mga miyembro ng Stop and Go.

Ito umano ay nasa 0.3% lamang ng kabuuang sampung milyong PUJ riders, at hindi man lamang umabot ng isang porsyento.

Umabot naman sa 3,540 na mga pasahero ang na-cater o nakasakay sa mga dinispatch na sasakyan ng gobyerno, habang ang iba pang mga pasahero ay nakasakay naman sa iba pang PUJ na hindi sumama sa strike.

Kabilang sa mga apektadong lugar, ani Lizada, ay ang Commonwealth partikular sa bahagi ng Sandiganbayan; SM Fairview, Litex at Doña Carmen, lahat sa Quezon City.

 

 

 

Read more...