Sa pagkakabawi sa Bayabao at Masiu Bridge, mga lider ng Maute, mahihirapan nang makatakas – AFP

PHOTO: AFP WESTMINCOM

Mahihirapan na umanong makatakas ang mga lider ng teroristang Maute na naiipit ngayon sa bakbakan sa Marawi City.

Ito’y makaraang mabawi na ng militar ang Bayabao Bridge at Masiu Bridge kamakailan.

Ayon kay Joint Task Group Ranao Deputy Commander Romeo Brawner, nasa loob pa rin ng “main battle area” ang mga pinuno ng Maute na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Paniwala niya, hindi na makakatakas ang mga ito dahil bantay-sarado na ng militar ang mga maaaring lagusan palabas ng main battle area.

Lalo pa rin aniyang humina ang puwersa ng kalaban ngayong tumuntong na sa ikaapat na buwan ang bakbakan sa Marawi.

Samantala, sinabi naman ni Brawner na oras na matapos na ang firefight sa lugar ay uumpisahan na ng militar ang rehabilitasyon.

Sa pagsapit ng ika-125 araw ng rebelyon sa Marawi kahapon, umabot na sa 694 terrorista ang napapatay, habang 151 sundalo naman ang nagbuwis ng kanilang buhay.

 

 

 

 

 

Read more...