Nagsumite na ng kaniyang ‘reply’ si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment complaint na isinampa laban sa kaniya.
Sa pamamagitan ni Atty. Justin Mendoza, isinumite ang 85 pahinang tugon ni Sereno sa tanggapan ng secretary general ng kamara.
Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang 15-pahina na pawang annexes.
Ngayon Lunes, Sept. 25 ang ika-10 araw na ibinigay ng komite para maghain ng kaniyang sagot si Sereno sa reklamong impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon.
Kasama ang sagot ni Sereno sa magiging batayan ng komite upang matukoy kung may probable cause ang inihaing impeachment laban sa kanya.
Sa magiging pagdinig sa determination of probable cause sinabi ng pinuno ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, welcome para sa kanila kung personal na haharap sa si Sereno upang sagutin ang mga alegasyon.
Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, nagsumite na ng kanyang reply affidavit sa impeachment na inihain laban sa kanya | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/6IOpE3yXzD
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 25, 2017
Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, nagsumite na ng kanyang reply affidavit sa impeachment na inihain laban sa kanya | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/MNFqHfxGXt
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 25, 2017
Si Sereno ay inaakusahan ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, corruption, and other high crimes.