13-anyos na binatilyo, patay sa pananambang sa Pasay

Isang 13-anyos na binatilyo ang nasawi matapos pagbabarilin sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jayross Brondial, na lumabas lang at naupo sa harap ng kanilang tahanan sa kanto ng Tramo at Inocencio streets sa Pasay City.

Dito na biglang dumaan ang isang hindi nakilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon pa sa pulisya, ilang ulit na pinaputukan ng suspek ang binatilyo.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa insidente, at sinusubukan na rin nilang alamin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Read more...