Isa na namang retiradong sundalo ang naging bahagi ng administrasyong Duterte.
Ito’y matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Maj. Gen. Romeo Gan bilang bagong deputy administrator for administration and finance sa National Irrigation Administration (NIA).
Si Gan ay nanilbihang officer-in-charge nang masibak ang dating hepe ng NIA na si Peter Laviña.
Dati siyang naging pinuno ng Civil Relations Services ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng Philippine Military Class 1983.
Naging commander rin siya dati ng 2nd Infantry Jungle Fighter Division ng Philippine Army.
Bukod kay Gan, kabilang din sa Class 1983 ang mga dating sundalo na ngayo’y nagsisilbi na rin sa administrasyon ay sina Ricardo Visaya at Abraham Bagasin.
Ayon sa NIA, si Gan ay makakatulong sa pagsusulong na maging self-sufficient ang bansa pagdating sa bigas sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irrigation systems ng bansa.