Ayon kay Sen. Migs Zubiri, noong nakaraang araw ay may biglang sumulpot sa burol ni Atio at hinarap ang mga magulang nito.
Aniya, parang siga umano ang pakikipag-usap nito sa ama ni Atio at tinatanon kung ano ang plano ng pamilya, pero iginiit nilang hindi nila ito kilala.
Dagdag pa ni Zubiri, kukuha na lang sana ng private security service ang pamilya Castillo ngunit naisipan nilang humingi na lang ng tulong kay PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa.
Dahil dito, agad na nagpadala si Dela Rosa ng mga pulis na naka-bihis sibilyan upang matiyak ang kaligtasan ng pamilya ni Atio.
Giit ng senador, hindi maiiwasang magkaroon ng banta sa seguridad ang pamilya lalo na’t medyo ma-impluwensiya ang kanilang kalaban, kaya dapat pa ring mag-ingat.