Bukas ang Malacañang na makipag-dayalogo sa mga grupong bumabatikos sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na ang mga grupong dumalo sa anti-Duterte rally noong September 21 na idineklara ng pangulo na National Day fo Protest.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, si Duterte ay “leader of all the Filipinos” at na lagi naman silang bukas para sa mga”constructive dialogues” kasama ang mga strategic sectors ng lipunan.
Kabilang aniya dito ang mga sektor na hindi sumasang-ayon sa mga katayuan ng administrasyon sa iba’t ibang isyu.
Matatandaang daan-daan ang sumama sa protesta laban kay Pangulong Duterte na ang pangunahing mensahe ay ang itigil ang mga pagpatay, kundenahin ang mga umano’y extrajudicial killings at ipanawagan na huwag nang maulit ang martial law.