4 katao nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa isang bayan sa Quezon

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Quezon sa lalawigan ng Palawan dahil sa diarrhea outbreak.

Ito’y matapos masawi ang apat na residente bunsod ng diarrhea na sinasabing nag-ugat sa kontaminadong tubig sa naturang bayan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Quezon, nagsimula sa Barangay Pinaglabanan ang outbreak.

Gayunman, naapektuhan na rin ang iba pang barangay, at ang mga nasabing biktima ay mula na rin sa barangay Alfonso VIII at Malatgao.

Sa pagdedeklara ng state of calamity, maaring magamit ng munisipalidad ang kanilang calamity funds para mabigyang tulong ang mga pasyente sa kanilang gamutan.

Read more...