Isang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro vs militar sa Batangas City

Google map

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army matapos makasagupa ang puwersa ng militar sa bulunduking bahagi ng Batangas City.

Naganap ang engkwentro pasado alas-9 ng umaga sa boundary ng mga barangay ng Cumba, Talumpok Silangan at Talahib Pandayan.

Ayon kay Col Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, Commander ng 202nd Brigade, nakatanggap sila ng intelligence report na nagkukuta sa Mt. Banoy, Talumpok Silangan ang mga rebelde at may pakay na maghasik ng gulo sa mga tao doon.

Dito na sila umaksyon at tinunton ang lugar at makaraan nito ay nagkapalitan na ng putok ang magkabilang kampo.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang NPA fighter na nasawi sa engkwentro.

Wala naman naitalang patay sa panig ng gobyerno.

Dahil sa nangyari, hinigpitan na ang checkpoints sa Batangas City at patuloy ang pag-monitor ng militar sa mga ospital na posibleng pinagdalhan ng mga rebeldeng nasugatan.

Read more...