LOOK: Listahan ng suspensyon ng klase bukas, Sept. 25

Dahil sa ikinasang tigil-pasada ng transport group na Stop and Go Coalition bukas, September 25, mayroon nang nagdeklara ng suspensyon ng klase.

Kanselado na ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Malolos City, Bulacan.

Bukod dito, inanunsiyo ng Malolos City government na suspendido na din ang trabaho sa City Hall.

Inaasahang magdudulot ng kahirapan sa riding public ang transport strike bukas laban sa planong pag-phaseout ng ng mga lumang jeepney.

Una nang sinabi ng Stop and Go Coalition na bagaman itutuloy ang tigil-pasada, bukas naman sila sa pakiki-pag usap sa pamahalaan.

Read more...