Bukidnon, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Kalilangan, Bukidnon eksakto 4:47 ng umaga.

Batay sa impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 14 na kilometro sa Silangan ng Kalilangan.

May lalim ang pagyanig na 4 na kilometro at tectonic ang origin.

Samantala, Intensity III naman ang naramdaman sa Cagayan de Oro City.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pagkasira ng ari-arian.

Read more...