Ayon sa pangulo, habang walang pirmadong peace agreement sa pagitan ng tatlong panig ay magpapatuloy pa rin ang mga injustice na nararanasan ng mga Moro.
Matatandaang noong September 14 ay nakipagpulong ang pangulo sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission, habang noong September 16 naman kay MNLF chairman Nur Misuari.
Samantala, hinimok naman ng pangulo ang mga miyembro ng New People’s Army na sumuko na. Dagdag pa nito, maaari niyang bigyan ang mga miyembro ng NPA ng amnestiya kung papayagan siya ng Kongreso.
Nangako naman ang pangulo na bibigyan niya ng pabahay ang mga miyembro ng NPA na susuko nang mapayapa sa pamahalaan, habang gagawin namang sundalo ang mga ‘qualified’ na NPA.