Ayon kay Appropriations Committee Chairman at Davao City Rep.Karlo Nograles, 30 bilyon sa kabuuang halaga ay hinatak mula sa pondo ng schoold building programs ng Departmend of Education (Dep-Ed).
Ani Nograles, may mga proyektong may problema pa sa lote o wala pang pagtatayuan kaya ilalaan muna ito sa libreng tuition sa mahigit 100 state colleges and universities (SUCs).
Samantala, anim na bilyon naman ang hinatak mula sa scholarship programs ng Commission on Higher Education (CHED), tatlong bilyon sa Department of Transportation (DOTr) at isang bilyong piso naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Covered ng pondo ang tuition at miscellaneous fees sa lahat ng accredited SUCs ng CHED maging ang mga technical at vocational education sa mga eskwelahang hawak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ayon kay Nograles.
Ginawa ng appropriations committee ang realignments bago isapinal ang bersyon ng KAMARA sa proposed 3.8 trilyong pisong pambansang budget.
Umaasa ang mambabatas na maaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang budget outlay sa Martes o Miyerkules para maipasa na sa Senado.
Nais ng mga mambabatas na mapapirmahan sa pangulo ang budget bago o mismong sa November 15 upang maging ganap nang batas.