Lanao del Sur, niyanig ng Magnitude 4.4 na lindol

Nakaranas ng pagyanig ang lalawigan ng Lanao del Sur bandang 1:48 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lakas ang lindol na magnitude 4.4.

Naitala ang epicenter ng pagyanig tatlong kilometro mula sa kanluran ng bayan ng Wao, Lanao del Sur.

May lalim ang lindol na sampung kilometro at tectonic ang origin.

Samantala, Intensity 1 naman ang naramdaman sa Cagayan de Oro City.

Hindi inaasahan ang aftershocks at wala ring nasirang mga ari-arian dahil sa pagyanig.

Read more...