Rep. Mel Sarmiento, hahalili bilang DILG Chief ayon kay Pangulong Aquino

Inquirer.net file photo

May napili na si Pangulong Noynoy Aquino III na kapalit ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sa panayam kay Pangulong Aquino sa Inquirer multi-media forum, kinumpirma nito na inalok niya ang nasabing posisyon kay Western Samar Representative Mel Senen Sarmiento.

Si Sarmiento ay dating mayor, delegado ng House of Representative sa Commission on Appointments at kasalukuyang Secretary-General ng Liberal Party.

Sa ngayon aniya ay pina-plantsa na ang smooth transition sa pagitan nina Roxas at Sarmiento para hindi ito mabigla sa trabaho.

Dahil ito ipinauubaya niya sa Commission on Appointments ang kumpirnasyon ni Sarmiento.

Read more...