Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ni Honasan para sa kasong graft at ang mosyon na inihain nito na ipagpaliban ang kanyang arraignment para sa sinasabing maling paggamit nito ng kanyang tatlumpung milyong pisong pork barrel fund limang taon na ang nakakalipas.
Matatandaang mismong ang abogado ni Honasan na si Dennis Manalo ang nagsabi dito na huwag magbigay ng plea.
Ayon kay Herrera, hindi nila pini-prejudge ang kaso laban sa senador. Aniya, naniniwala pa rin siyang tinatamasa pa rin ng senador ang kanyang ‘presumption of innocence.’
Noong nakaraang buwan ng Agosto ay kinasuhan si Honasan ng dalawang counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corruption Practices Act dahil sa napansing irregularities nang gamitin nito ang kanyang PDAF allocation para sa livelihood projects ng Muslim communities sa kalakhang Maynila at Zambales sa pamamagitan ng National Commission for Muslim Filipinos.
Pagkasampa ng kaso ay agad rin namang nagbigay ng animnapung libong pisong piyansa si Honasan sa isang korte sa Biñan, Laguna.
Nag-ugat ang kaso laban kay Honasan sa sinasabing iregularidad sa kanyang endorsement sa Focus bilang partner nongovernment ogranization o LGU para sa mga proyektong nilaanan ng P29.1 milyong piso mula sa kanyang PDAF noong 2012.