Isang motor, wasak matapos mabangga ng jeep sa Cubao, Quezon City

Wasak ang isang motorsiklo matapos itong banggain ng isang pamapasaherong jeep sa southbound lane ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang motorcycle rider na si Mario Concepcion na nagtamo lamang ng galos sa katawan.

Sa pagsasalaysay ni Concepcion sa aksidente, hinahabol niya ang isang taxi na nasagi umano siya habang nagmamaneho. Naka-signal umano siya na siya ay liliko sa kanan nang bigla na lamang siyang banggain ng jeep.

Ayon naman sa driver ng jeep na si Orlando Ventura, hindi niya napansin na nag-signal pala si Concepcion.

Ngunit aniya, mabilis ang takbo ng motorsiklo.

Inaalam pa ng Quezon City Traffic Sector kung sino ang may kasalanan sa naturang aksidente.

 

Read more...