Si Trangia ay isa sa mga itinuturong person of interest sa pagkamatay sa hazing ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.
Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration na nasa Chicago si Trangia makaraang makalabas ng bansa ayon sa kanilang record.
Ayon kay Herrera-Dy, ito ang tamang pagkakataon para gawin ang civic duty ng mga Pinoy at mabigyan ng katarungan ang sinapit ng 22-anyos na si Castillo.
Si Trangia ay isa sa mga senior member ng Aegis Juris Fraternity na sinalihan ng biktima bago siya natagpuang patay.
Nauna nang isinailalim sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration ang ilang kasapi ng Aegis Juris Fraternity pero naunahan sila ni Trangia na nakalabas na ng bansa.
Sinabi ni Manila Police District Spokesman Supt. Erwin Margarejo na kung walang itinatago ay hindi dapat tumakas si Trangia ay kanyang haharapin ang mga akusasyon na sangkot siya sa naganap na hazing.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng MPD ang isa sa mga itinuring na suspek sa krimen na si John Paul Solano na miyembro rin ng naturang fraternity na sinasabing nagdala sa mga labi ni Castillon sa Chinese General Hospital.