DND at AFP magkaiba ang record sa gastos ng pamahalaan sa Marawi siege

Radyo Inquirer

Aabot na sa mahigit P2 Billion ang gastos ng pamahalaan sa nagpapatuloy na bakbakan sa sa Marawi City.

Paglilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, mahirap kasi nila i-quantify ang gastos sa ammunition at fuel pero sa kanilang computation ay aabot na ito ng P2 Billion.

Pero batay sa report na inilabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nasa P3 Billion na ang gastos sa Marawi siege.

Samantala, sinabi naman ni Año na dahil palapit na nang palapit matapos ang giyera ay sa tututukan na nila ang rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi City.

Babantayan din daw nila maging ang ibang rebeldeng grupo na nag-ooperate sa Mindanao.

Sa kabilang dako, nakakalungkot man sabihin ay inamin ni Gen. Año na may natatanggap silang report na nire-rape ng mga teroristang Maute ang mga bihag nilang babae.

Ito umano ay batay sa mga ulat mula sa mga debriefing sa mga sumukong  kasapi ng Maute group.

Read more...