Iginiit ni Interior and Local Government Undersecretary Jayvee Hinlo na hindi madaling pabagsakin ang Duterte administration.
Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, ipinagtanggol ni Hinlo ang nangyaring Pro-Duterte rally sa Plaza Miranda noong September 21 at sinabing wala namang masama dito.
Lahat naman anya kasi ay inanyayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makilahok sa rally kaya siya nagdeklara ng National Day of Protest.
Panawagan ni Hinlo sa mga kritiko ng administrasyon ay maghintay sa susunod na halalan kung gusto nila ng bagong presidente.
Kung gusto raw anya nila ay patakbuhin bilang pangulo si Vice President Leni Robredo o maging si Sen. Antonio Trillanes IV.
Dagdag pa ng opisyal, sa halip na pagwatak-watakin ang bansa ay magtulungan na lang at magkaisa.
Sa ipinakikita umanong suporta ng sambayanan sa kasalukuyang administrasyon ay malabong matibag ito ng mga kilos-protesta.