Panibagong LPA namataan ng PAGASA sa Mindanao

PAGASA

Magiging maulan ang malaking bahagi ng Northern Mindanao at Palawan area dahil sa namumuong sama ng panahon 175 kilometro sa Kanluran ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa kanilang 5AM weather bulletin, sinabi ng PAGASA na magdudulot rin ng pag-ulan sa Visayas, Marinduque, romblon at Mindoro ang namumuong Low Pressure Area na magpapalakas sa umiiral na southwest monsoon o Habagat.

Dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay asahan na rin ang maghapong pag-ulan lalo na sa dakong hapon at gabi base sa monitoring ng weather bureau.

Asahan na rin ang mga localized thunderstorms at malalakas na alon ng karagatan sa iba’t ibang panig ng bansa ayon pa rin sa PAGASA.

Read more...