Naitala ang sunud-sunod na tremors o mga pagyanig na maaaring indikasyon ng pagputok ng Mt. Agung.
Dahil dito, itinaas na ng Indonesian officials ang highest alert level at iniutos ang paglayo ng mga residente ng 9 na kilometro mula sa bunganga ng bulkan.
Gayunpaman, pinayuhan ni National Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho ang mga residente na huwag magpanic at huwag magpadala sa mga sabi-sabi.
Nasa humigit-kumulang 10,000 katao na ang lumilikas dahil sa sitwasyon.
Naglabas na rin ng travel advisory ang gobyerno ng Australis at pinayuhan ang mga mamamayan nito na mag-ingat at sumunod sa mga “measures” na ipatutupad ng awtoridad.
Mahigit 1,000 katao ang nasawi ng huling pumutok ang Mt. Agung taong 1963.