Nabawi na ng militar ang Raya Madaya-Masiu bridge sa Marawi City sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipagbakbakan sa mga terorista sa nasabing lungsod.
Matapos nilang makubkob ang naturang tulay, nagpatuloy naman na ang mga pwersa ng pamahalaan sa paglapit pa sa pinagkukutaan ng Maute Group.
Sa ngayon ay nagawa na nilang maikulong sa loob ng 10 ektaryang battle area ang mga terorista.
Gayunman, aminado si Joint Task Group Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na nahirapan sila dahil magkakadikit ang mga gusali na pawang mga low-rise pa.
Sa ganitong sitwasyon aniya kasi, mahirap para sa kanila ang pag-“soften the ground.”
Sa bakbakang naganap kahapon, araw ng Biyernes, isang miyembro ng Maute Group ang napatay ng mga militar.
Dahil dito, umakyat na sa 689 ang kabuuang bilang ng mga nasawing teroritsta sa loob ng apat na buwan ng Marawi seige.