AFP, kinumpirma ang hawak na Marawi seige funding matrix ng pangulo

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tama ang iprinisintang matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalaman ng mga personalidad na umano’y nag-pondo sa Marawi seige.

Kinumpirma rin ni AFP chief Gen. Eduardo Año na kasama nga talaga ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa mga financiers ng mga teroristang lumusob sa Marawi City.

Ayon kay Año, confidential document ang pinanggalingan nito, pero totoo ang pag-banggit ni Pangulong Duterte kay Parojinog na nauugnay sa mga lawless elements at terorista.

Aniya pa, ang Maute brothers ay talagang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, at operational aniya ang estilo ng mga ito.

Inihalintulad pa niya ito sa American crime drama na “Narcos,” na nakatuon sa bentahan ng cocaine sa Colombia, at mistula aniyang Lanao-Misamis cartel naman ang kinasasangkutan ng Maute brothers.

Binanggit rin ni Año na kabilang din sa mga narcopoliticians si Talitay, Maguindanao Mayor Montasir Sabal.

Samantala, sinabi rin ng AFP chief na iba ang report ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa pag-alam nila sa kung paano nakakakuha ng malaking halaga ng pera ang Maute Group para sa kanilang rebelyon.

Read more...