Ayon sa Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nagsimula ang pagbuhos ng malakas na ulan pasado alas-5:00 ng hapon na tumagal ng dalawang oras.
Sa mga oras na iyon ay itinaas rin ng PAGASA ang heavy rainfall alert sa mga lugar ng Guimaras, Antique, Aklan at Negros Occidental.
Ang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bacolod City at iba pang lugar sa Visayas ay dulot ng low pressure area (LPA) na namataan ng PAGASA malapit sa Albay, na lumakas at naging habagat.
Sa ngayon ayon sa DRRMO ay humina naman na ang ulan ngunit may mga lugar sa Bacolod na umabot sa 15 talampakan ang taas ng baha.
Itinaas naman ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Panay Island, Guimaras at Negros Occidental na nangangahulugang makakaranas ng malakas na ulan ang mga naturang lugar sa loob ng dalawang oras mula nang ilabas ito ng ahensya, alas-12:00 ng hatinggabi ng Sabado.