Matrix ng pagpo-pondo sa Marawi seige, inilabas ni Pangulong Duterte

Photo from Malacañang Press Corps

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matrix kung paano pinondohan ng Marawi siege.

Sa isang media roundtable sa Davao City, ipinakita ni matrix kung saan makikita ang mga pangalan ng mga personalidad na sumuporta sa mga terorista kaya hindi naubusan ang mga ito ng resources tulad ng mga bala at armas.

Ayon sa pangulo, nakapagtataka kung paanong nangyari na umabot na sa tatlong buwan pero lumalaban pa rin ang Maute Group dahil may supply pa rin sila ng mga armas, bala at pampasabog.

“How come that Marawi until now is still fighting? Let me ask you a question. We’re in the third month. How come the Maute brothers and the terrorists were able to stockpile so much ordnance and bullets and ammunition and IED?” ani Duterte.

Isa sa mga pinaka-prominenteng pangalan na nakasama sa naturang matrix ay ang nasawing Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Malacañang Press Corps photo

Sa nasabing matrix, pawang mga drug lords, dealers at suppliers, pati mga pulitikong nagpo-protekta sa kanila.

Kasama din sa mga pangalan si Mayor Mamaulan Pangga Abinal Mulok ng Maguing, Lanao del Sur; dating Mayor Mohd Ali “Merikano” Abinal ng Marantao, Lanao del Sur; dating Mayor Fahad Salic at anak nitong sina Vice Mayor Arafat Salic, Samer at Walid ; dating Mayor Solitario Omar Ali; dating Mayor Muslimen Macabato; Buadiposo Buntong Mayor Noron Dadayan; Mulondo Mayor Hadji Jamal; at Vice Mayor Noridin Adiong ng Ditsaan, Ramain.

Ayon sa presidente, dahil sa matrix na ito ay nagkaroon na sila ng ideya kung paano napondohan ng kalakalan ng iligal na droga ang panggugulo ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.

Una nang iginiit ng pangulo na iligal na drog ang nag-pondo sa Marawi Siege, at na kabilang dito ang pamilya Parojinog.

Read more...