Ralph Trangia, dumaan lang ng Taipei, dumeretso ng Chicago ayon sa TECO

Mula Taiwan, dumeretso umano ng Chicago si Ralph Trangia na isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), galing Pilipinas, dumaan lang ng Taiwan si Trangia at pagkatapos ay agad itong sumakay sa flight patungong Chicago.

Si Trangia ay umalis ng bansa sakay ng EVA Air flight BR 262 noong Sept. 19 patungo sa Taoyuan Airport.

At ayon sa TECO, sumakay ito ng connecting flight na EVA Air flight BR56 patungong Estados Unidos.

Sinabi ng TECO na isa lang si Trangia sa milyun-milyong mga transit passengers sa Taiwan.

Dahil dito, walang impormasyon sa ngayon ang TECO sa posibleng kinaroroonan ni Trangia.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...