Aabutin pa ng 2 hanggang 3 taon ang rehabilitasyon sa Marawi

Aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago muling maisaayos ang war-torn na lungsod ng Marawi.

Ito ang naging pahayag ng Office of the Civil Defence matapos sabihin ng mga tropa ng pamahalaan sa lungsod na malapit nang matapos ang pakikipagbakbakan laban sa ISIS-inspired Maute.

Ayon sa tagapagsalita ng OCD na si Romina Marasigan, ang naturang timeline ay batay sa initial assessment sa danyos na natamo ng lungsod dahil sa pagpapalitan ng putok ng mga terorista at tropa ng pamahalaan.

Anya, hindi pa pinal ang timeline dahil hindi pa tuluyang nakakapasok sa main battle area ang kanilang assessment team.

Dagdag pa ni Marasigan, magkakaroon sila ng mas tiyak na timeline para sa rehabilitasyon ng Marawi matapos ang post-conflict assessment at kapag nabuo na ang recovery plan.

Napag-usapan din aniya ng mga opisyal ng gobyerno na ang muling pagbuo sa lungsod ay ‘from scratch’ dahil hindi umano maganda na repair lamang ang gagawin sa mga sira-sirang gusali at bahay sa loob ng Marawi City.

Read more...