Isa pang miyembro ng Aegis Juris, sumuko sa NBI

Kuha ni Rod Lagusad

Lumantad sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Si Aeron Salientes na kabilang sa itinuturing na person of interest sa pagkamatay ni Horacio Castillo III ay nagtungo sa tanggapan ng NBI.

Kasama din ang pangalan ni Salientes sa inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Department of Justice.

Hindi umano aktibong miyembro ng Aegis Juris si Salientes.

Sinabi rin nito na wala siya sa Maynila nang mangyari ang hazing na ikinasawi ni Castillo.

Aniya wala siyang natanggap na impormasyon sa pagpaplano o sa mismong initiation rite. Hndi niya rin personal na kilala sina Horacio Castillo at maging si John Paul Solano.

 

 

 

 

Read more...