John Paul Solano, kakasuhan ng perjury at paglabag sa anti-hazing law

Photo from Sen. Panfilo Lacson

Matapos na sumuko, sasampahan ng kasong perjury at paglabag sa anti-hazing law si John Paul Solano, isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesman Supt. Erwin Margarejo, matapos madala sa headquarters, agad sumailalim sa booking process si Solano sa homicide section.

Una nang sinabi ni Solano na handa siyang harapin at sagutin sa pamamagitan ng kaniyang abogado ang isasampang kaso sa kaniya ng MPD.

Kasabay nito, nanawagan si Margarejo sa iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na lumantad na rin gaya ng ginawa ni Solano.

Bukas aniya ang MPD para sa mga nais lumutang at ilahad ang kanilang nalalaman sa pagkamatay ni Castillo.

 

 

 

 

Read more...