Ito ay dahil sa malakas at patuloy na pag-ulan na nararanasan sa lalawigan dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 3:45 ng hapon, yellow warning level ang nakataas sa buong Cebu.
Inalerto din ang mga residente doon sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, alas 3:40 naman ng hapon, sinabi ng PAGASA na bumuhos ang malakas na ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin sa mga lalawigan ng Pampanga, Rizal, Bataan, Quezon at Batangas.
Naranasan din ang malakas na ulan sa Metro Manila, Zambales, Cavite, Laguna at Bulacan.
Ayon sa PAGASA, thunderstorm ang dahilan ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.