Walang malay at half-dead na si Horacio Castillo III nang datnan ni John Paul Solano.
Sa kaniyang paglantad at pagsuko kay Senator Panfilo Lacson, sinabi ni Solano na sinubukan niyang i-revive si Castillo sa pamamagitan ng CPR.
Isa umano siyang registed MedTech kaya siya tinawagan ng mga miyembro ng Aegis Juris noong panahong nagkakagulo na dahil sa kondisyon ni Castillo.
“I resuscitated Castillo he was unconscious, half-dead, I did give CPR,” ayon kay Solano.
Katunayan hindi umano niya personal na kilala si Atio, pero aminado siyang miyembro siya ng nasabing fraternity group.
Nang hindi na magawang ma-revive, sinabi ni Solano na doon na siya nagpasya na isugod sa ospital si Castillo.
Iginiit niyang wala siya sa naganap na hazing.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Solano sa pagbibigay ng maling statement nang dalhin niya sa ospital si Atio.
Partikular din itong humingi ng sorry sa pamilya Castillo.
Tiniyak ni Solano na makikipagtulungan siya sa imbestigasyon dahil nais din niyang malinis ang kaniyang pangalan.