John Paul Solano, sumuko kay Sen. Lacson

John Paul SolanoBREAKING: Nagtungo sa tanggapan ni Senator Panfilo Lacson sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig si John Paul Solano.

Si Solano ay isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, ang UST law freshmen student na nasawi sa hazing.

Ayon kay Lacson, galing sa Northern Luzon si Solano at dumeretso sa kaniyang tanggapan ngayong araw ng Biyernes< Sept. 22.

Kasama ni Solano na nagtungo sa tanggapan ni Lacson si UST College of Law Dean Nilo Divina.

Agad namang itu-turnover ni Lacson si Solano kay Manila Police District Director Joel Coronel na ngayon ay nakaabang na rin sa Senado.

 

 

 

 

 

 

Read more...