Lumutang ang isang marketing student ng University of Santo Tomas (UST) sa Manila Police District (MPD)
Kasama ng estudyante ang mga kinatawan ng UST Security Investigation para personal na sabihin na siya ang nasa kuha ng CCTV na ipinakita ng MPD sa media.
Sa ginawang presscon kasi ng MPD, sinabing ang suspek na si John Paul Solano ang nakita sa CCTV kasama si Horacio Atio Castillo III sa labas ng Dapitan gate ng UST.
Kuha ang nasabing CCTV footage noong alas 11:40 ng umaga ng Sept. 16 sa Dapitan Street.
Unang sinabi ng MPD na si John Paul Solano ang lalaking may suot na long sleeves at necktie na makikita CCTV footage pic.twitter.com/djbgTnqgX6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 22, 2017
Unang sinabi ng MPD na si John Paul Solano ang lalaking may suot na long sleeves at necktie na makikita CCTV footage pic.twitter.com/noWn6tqLZv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 22, 2017
Tumanggi naman nang magpa-interview sa media ang marketing student.
Una nang umani ng batikos sa social media ang pahayag ng MPD hinggil sa nasabing CCTV footage.
Ayon sa netizens, imposible ang iginigiit ng MPD na si Solano ang nakita sa CCTV dahil ang suot na uniporme ng estudyante sa video ay para sa kursong marketing at hindi sa pang-Law.
Sa kabila ng mga batikos, pinanindigan pa ng MPD ang kanilang pahayag.